Sunday, June 13, 2010

Sank_Tu_Aryo










Huli ka.



Ikaw na nag-iisip ng malaya.

Tulad ng maya, na minsa'y naging simbolo,

ng malayang Pilipino.

Malayang tumawa,

Malayang lumipad,


Tumawid,

Tumunganga.









Hawak-kamay nating susuungin,


Ang daan sa nakaraan,
Ang tulay ng kasaysayan,






At ang bagong kalayaan.









Kalayaang tumulay,
At maging tulay,

Para sa mga nababato,

At binabato,
Ng lumang prinsipyo.








Darating din tayo do'n,

Sa isang malayang sanktuaryo ng mga Pilipino.