A ©miqodionisio camerawork.
To prove that a word can be worth a thousand pictures.
Click on an image to enlarge.
Monday, February 28, 2011
Kulam
Sampu ng aking mga alagad,
Himlayan ng mga di-kilalang tao,
Kunin ang abo,
Isaboy sa limang paso.
Akin ang ika-lima ng hapon,
Mag-hasik ng takot at duda,
Mas damihan ang duda,
At bibigay ang kaluluwa.
Hindi kailangan ng salita,
Sa di-kalayuan magkikita,
Hanap ang ilang pangamba,
Ibabalik kita.
Ibabalik kita,
Sa kabila ng oras,
Bukas man o sa isang taon,
Ibabalik kita.
Dahil kulang ang istorya,
Punan nang espasyo,
Gawing isang piraso,
Ang dulot mong kasinungalingan.
Linya para sa oras,
Parisukat para sa kuwadra,
Tatsulok para sa paniniwala,
Bilog para sa karma.
Ibabalik kita,
Ibabalik ka n'ya,
Ibabalik ka sa pinag-mulan,
Ibabalik ka naming lahat.
Himlayan ng mga di-kilalang tao,
Kunin ang abo,
Isaboy sa limang paso.
Akin ang ika-lima ng hapon,
Mag-hasik ng takot at duda,
Mas damihan ang duda,
At bibigay ang kaluluwa.
Hindi kailangan ng salita,
Sa di-kalayuan magkikita,
Hanap ang ilang pangamba,
Ibabalik kita.
Ibabalik kita,
Sa kabila ng oras,
Bukas man o sa isang taon,
Ibabalik kita.
Dahil kulang ang istorya,
Punan nang espasyo,
Gawing isang piraso,
Ang dulot mong kasinungalingan.
Linya para sa oras,
Parisukat para sa kuwadra,
Tatsulok para sa paniniwala,
Bilog para sa karma.
Ibabalik kita,
Ibabalik ka n'ya,
Ibabalik ka sa pinag-mulan,
Ibabalik ka naming lahat.
Subscribe to:
Posts (Atom)